Sunday, February 27, 2011

Relieved....


Ang pinakamahirap na topic na pagusapan ng magasawa ay Pera. Kahit anong atake ang gawin mo, minsan ma-mi-miss interpret ka ng kausap (husband/wife) mo lalo na pag isa lang sa inyo ang kumakayod.

Dahil ginagamay ko pa lang ang pagba-"budget", minsan ayokong hinahanapan ako ng pera. Sanay kasi akong laging may pera kaya budget is not in my dictionary. Ngayon ko na lang nararamdaman ang hirap ng may "limit" ang "budget".

Kaya ng tinanong ng asawa ko kung magkano na ang ipon sa bank at nalaman nya kung magkano at dinugtungan nya ng "ha?" eh malamang sa malamang uminit ang ulo ko. Na-misinterpret ko naman pala ang aming chat... hehehe. Gusto nya lang malaman ang expenses naming magina, naintindihan nya naman na ang lakas lumamon ng anak nya.. hehe.

Pero kidding aside, I have learned that when couples deal with THEIR expenses and savings, they should be transparent with each other... meaning dapat lahat pinaguusapan nila pagdating sa pera. Dahil ang pera ng isa... pera nyo nang dalawa regardless kung sino ang kumikita.

Malas ko nga lang daw (sabi ng lola ng asawa ko) at kuripot talaga by nature si mister.. hahahaha. Sabi pa ni Lola - "yang magkakapatid na yan bibigyan ko ng bente pesos sa umaga, yang asawa mo pagdating ng hapon bente parin ang pera".

I guess I'm not malas, maswerte nga ko eh kasi balanse kami - waldasera ko sya naman si Mr.Frugal. hehehe. Pero sa panahon ngayon lahat ng gastos ko eh karamihan napupunta kay Sofie, mas masaya kasi ako na nakikitang happy si baby kahit butas butas na ang damit ni mommy... hehehe. Lahat naman ng ipon at tyaga eh para sa iisang tao na -- kay baby taba.

Bakit nga pala "relieved" ang title ng blog na ito? Di ko rin alam... basta I feel relieved because of a certain color - "purple". Salamat parpol sa pagtyatyaga mo sa mga tanong kong paulit ulit. Binabasa ko na yung mga pdf sa site... salamat uli! 


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...