Tuesday, March 1, 2011

Evolving


I grew up without my tatay at home all the time. Natuto na kami ng nanay at mga kapatid ko na masanay ng wala sya lagi. Every 2years lang sya umuuwi from the middle east for vacation, after that balik ulit sa dati.

So ang nanay ko natuto nang maging resourceful. Kalimitan sya ang tubero, labandera, tigaluto, tigalinis, naging mekaniko pa yan nung may van pa kami, nagsesemento rin yan ng mga biak sa wall, nakita ko na rin yang umakyat sa bubong para takpan yung mga butas, nagkakaripentero na rin yan sa bahay nung di pa bato ang aming house. So basically sya na lahat sa bahay. Ngayon di na, may katulong na kami na gagawa nyan para sa kanya, saka may pera na rin sya pangbayad sa mga tubero at karpintero... kaya ang hobby nya ngayon ay mag-tong-its.. hehehe.

Ngayon namang ako na ang may asawang naga-abroad napasa na sakin ang korona ng resourceful housewife (eeeeew). 
Naranasan ko na ang mga ito (dahil walang ibang gagawa):

1. Maglinis ng auto. Marunong akong magshampoo, magwax, magtanggal ng scratch, magvaccum at magtire black. Alam ko na rin kung san nakalagay ang mga fuse ng ilaw, busina at starter. Alam ko na rin kung san nilalagay ang oil, water at break fluid.

2. Mag-dismantle ng York aircon. Bigla kasing tumagas papaloob yung excess water na dapat sa labas tumutulo, mali pala ang installation ni tito kaya binaklas ko at nilinis inside and out ang putragis na 50kg na aircon at ngayon ok na sya.

Kelangan pala naka angle ang aircon- meaning mas mababa ang back sa front para di maipon ang water sa loob ng unit, at least 1inch difference.

3. Magkabit ng bagong door knob sa pinto. 

Madali lang pala in fairness.

4. Magbuhat at maginstall ng LCD TV. Sisiw lang toh.. color coded na eh.

5. Maglagari ng plywood. Nasira na kasi yung dating takip ng aircon na plywood kaya pinalitan ko, I had to cut it coz the wood itself was too big to fit the window. Sakit sa kili kili josko.

Sabi ko nga sa nanay ko... "Pinamana mo pa sakin yung setup nyo ni tatay" natawa lang sya hehehe.

Pero sa panahon ngayon di na uso ang walang alam sa mga "gawaing" pambabae or panglalake. Lahat ngayon napagaaralan na, anjan ang internet, self help books, your parents, your kapitbahays and cellphone... text text na lang pag may mga tanong.

Kaya if you need a carwash girl, linis aircon, install door knob personnel text nyo lang ako mga chong.. hahahahahaha.

4 comments:

  1. wala na ayoko na ang haba haba ng comment ko tas nawala hmph

    ReplyDelete
  2. Sino ka Anonymous? hehehe.. sabi nga sakin ni Ty ang dami daw ek ek pag nagcocomment sa page ko.. i tot naayos ko na...

    ulitin mo na lang pleeeez :D

    ReplyDelete
  3. ah ako nga ito. sabi ko nga nga ba may nakalimutan ako. ang ilagay ang pangalan ko. LOL
    -tyrelle

    ReplyDelete
  4. Wow buti ka pa. Mukhang mas marami ka pang kayang gawin sa kaysa akin... ako wala akong alam sa mga ganyan... err.. tamad lang! hahahaha.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...