Wednesday, January 26, 2011

Tambay

Pag tambay ka lang maghapon - magdamag, malamang mauubusan ka ng iisipin sa kaiisip. Hehehe ang gulo ko. Ang gusto ko lang sabihin eh masarap na mahirap din pala maging tambay. Minsan wala ka nang magawa sa buhay mo kung di humiga at manood ng TV...very unproductive. 

Dahil sa wala na kong maisip gawin, nagaral ako ng CSS coding. So ngayon di lang HTML ang alam ko, CSS narin.. naks. Kaya ang aking site, pure CSS na... ang saya saya! :) Ngayon ang dami kong tinatapos na page na di ko maupload upload dahil laging may kulang sa codes.. nyahahahhaa... pero practice lang ang kelangan ko I know I'll be able to perfect this "craft" (gumaganon ka pa baliw).

Bukod sa pagiging tambay maghapon eh super enjoy ako sa pagiging mommy. Kahit paulit ulit ang routine ko araw araw at may oras ang bawat kilos eh enjoy na enjoy ako. Bigyan ka ba naman ng unlimited kiss and hug ng anak mo eh di ka pa ba magenjoy nun? 

Trip na trip pa ng anak kong kumandong sakin habang nasa computer ako at nagtatrabaho, na-a-amaze ata sya kulay ng screen at trip na trip nyang pindutin ang RESET button ng CPU ko, kaya minsan wala kong matapos na trabaho. Hehehehe.

Saka napansin ko lang, kakaiba na talaga ang climate ngayon kasi kahit maghapon akong nakakulong sa bahay hindi ako pumuputi! Baket ganooooon?!?! Dati rati, 3 days lang akong di lumabas, bongga na ang glow ng skin ko... ngayon walang nagbabago. Tsk Tsk Tsk.

Task Later (iwas boredom):
- Magupload ng 3 pages of tutorials
- Ayusin ang gamit sa ibabaw ng computer desk... mukha na syang basurahan
- Ayusin ang cabinet... para na syang ukay ukay
- Magbasa at wag manood ng replay ng ANTM cycle 15 sa Star World :-P

Sana lang magawa ko lahat yan diba..


1 comment:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...