Well first and foremost.. MERRY CHRISTMAS guys! (belated) As usual puyat parin ako at tumataba. Ang sarap kasi kumain pag holidays di ba?
What's up with me na nga ba? (naks! kala mo importanteng tao.. haha)
Well I'm still building my website. I'm so glad I changed its colors kasi mas dumami ang traffic ko dahil don mwahahaha. Besides Sofie, ang website ko ang isa pang baby ko. :)
Saka isa pa sa gumagambala ng pagpapahinga ko ngayon eh yung Eload business na pinasok ko. Eto ang nakakatuwa at di ako makapaniwala -- kilala pala ko ng mga kapitbahay ko! hahaha. Di kasi ako pala labas na tao. Lalabas lang ako pag pupunta ko sa kotse kasi nasa mga lola ko yung garahe namin (nakikigarahe lang ako hehehe).
Anyways, ok tong Eload system na nakuha ko. 1 SIM can send eload to ALL NETWORKS and more..
Eto ang pwede kong loadan gamit ang EXISTING sim card ko:
SMART
GLOBE
Talk n Text
SUN Cellular pati na yung SUN Broadband
Red Mobile
Touch Mobile
PLDT Landline
ONLINE Games pwede rin.
Prepaid Cable
Oha.. san ka pa! Naloloka nga ang mga kapitbahay ko kasi ako lang ang nagloload ng saktong halaga. Usually kasi yung mga nagloload dito samin yung 15pesos na load ginagawa nilang 18 petot. Sakin kung kinse yan.. kinse lang yan :) pero may kita na kong 2petot dun :) Oha!
Ine-imagine ko nga kung nagwowork pa ko, malamang mas malaki kita kasi ang daming nagpapaload sa opis (hindi sa CSG kasi more naka-line ang mga mayayaman don.. haha)
Kaya kung may reader ako jan na interesado sa raket na ito :) text nyo lang ako or e-mail nyo ko - carmi.arguelles@gmail.com.
For ONLY P200 pwede ka narin maging walking Eload hub :) like moi.
Eto ang sample ng pwede naten kitain.
Ang 300petot na eload sa Smart eh 270petot lang talaga ang halaga. So naka save ka na ng 30 petot sa isang tao.
Eh kung may magpload sayo na 5peeps na tig 300petot each.
30 X 5 = 150petot na agad ang kita mo sa limang tao.
150 X 30days = 4500petot every month sa 5peeps everyday na magpapaload sayo. Sa 300 pa lang yan ha.
Ayoko na, tama na yung ganyang computation. Nag nonosebleed ako sa Math.. hahaha di ko keri ang math.
Hosya, manonood muna kami ng Spongebob ni Sofie.. hehehe.
Type namin ni Chile ang business mo Neng!
ReplyDeleteOkay bongga yan.. bukas punta kami opis kaso saglit lang kami. Puntahan ko na lang kayo pagtapos ng holidays ha.. boom boom boom
ReplyDelete