Tuesday, November 30, 2010

Sanity...

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!! sigaw yan.. kahit man lang sa blog makasigaw ako. I really need it.

First of all, sorry sa mga officemate ko na hinamon ko sa 30day blog challenge, mukhang wala ng gumagawa saten hehehe. Ang hirap humanap ng time, I thought pag di na ko nagwowork eh I can have all the time that I need... hindi pala.

Ang hirap maging nanay. PERIOD! Sa mga lecheng nagpopost about love, pain and getting hurt eto lang masasabi ko sa inyo - TRY NYO MANGANAK AT MAGING NANAY! tignan lang naten kung di nyo pa malaman ang tunay na meaning ng PAIN!!!
Yan.. yan ang isa sa mga nagpapasakit ng ulo ko, mga post na walang kakwenta kwenta. Minsan ayoko na lang magbukas ng facebook dahil nakikita ko lang mga post ng mga tao sa list ko about love ek ek. JUSMIO! I'm so tired of you guys! di ko naman kayo pwede i-delete baka sumama ang loob nyo. Kung iniwan ka, move on! kung di kayo hindi talaga kayo! kayong lahat ay mga PAKINSHET!

Next on my negativity list eh yung mga chismis dito sa bahay.. taena kala ko sa office lang may chismis! Dito rin pala! Bwisit ang mga kapitbahay ko na wala ng ginawa kung di magchismisan eh shempre naririnig ng nanay ko yung mga yun dahil may tindahan kami ang tendency eh ako ang chinichismisan ng nanay ko which I really hate! di ko lang masabi sa nanay ko at kasama namin sa bahay na.. I DON'T F*CKIN' CARE! WTH!

Lately napagtanto ko na I'm surrounded by all of this negativity and its not healthy. Minsan ayoko na lang lumabas ng kwarto dahil ayoko ng makarinig at makakita ng something negative. Kahit anong laro ko kay Sofie at gawa ko sa website... dinedemonyo parin ako ng negative vibes... I think I forgot how to think happy. Inaalala ko yung The Secret.. pero di ko na magawa. BWISIT.

I miss my office... not the job.
I miss my officemates... not the chismis (well konting chismis lang)
I miss being alive! I need to get out of this house!!!!

God konting help naman po please...

Sooner or later mababaliw na lang ako. Sana wag naman. Buti na lang may blogger at nailalabas ko lahat ng sama ng loob ko for my readers to enjoy.. hehehehe.

Send-an nyo nga ko ng Case dito isa lang! dali! hahaha...
haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay...

2 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...