Friday, December 17, 2010

SMP - Samahan ng Malalamig ang Pasko


Oo, ako na ang bagong founder ng samahang yan. Syet.

Ngayon ko lang narealize, ever since matuto akong magboypren-boypren never pa ko nagkaron ng chance na makasama ang boypren ko for Christmas. Hanggang ngayon na may "asawa" (on quotation, di pa kasi official. hehehe) na ko, wala pa kong sweet Christmas.

 
Bakit nga ba sinasabi nilang "malamig" ang Christmas mo pag wala kang jowang katabi? 
Ano bang metaphor ang nababalot sa salitang yan. Iinit ba ang Christmas mo pag magkasama kayo? (well para sa mga green minded jan tulad ni Tutai, eh malamang may sagot ka na jan... haha).



Hindi ako malungkot. 

Pero alam kong nalulungkot sya, which makes me sad too (ano ba ang gulo ko). Basta, ang gusto ko lang sabihin, kahit nasan man ang mahal ko sa Pasko... We will celebrate Christmas together even when we are apart. 

We're not the only ones who are celebrating it apart. We're just lucky coz we're part of that small population whose love is so strong that they can just love each other even if they are oceans apart. Pwe! Ang corny corny! hahaha...

Well now I have something to look forward to.. I will wait for that FIRST Sweet Christmas day (and eve) with my future hubby. I will surely blog about it once it finally happens! Hahahaha.



2 comments:

  1. at kelangan talagang mag name drop ng green minded na tao! hahahaha

    like, like, like..

    ReplyDelete
  2. sabi ko na nga ba... hindi mo itatanggi! hahaha

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...