Pag nagpeprepare ako to go to work, lagi ako nanonood ng TV gabi gabi. Last night I tuned in to Disney Channel kasi maganda yung movie.. A Goofy Movie :)
So nagcomercial na, they were promoting Up kasi ipapalabas sya this sunday. Suddenly I heard this phrase "In a team... quitting is never an option" SAPUL! para kong sinaksak direkta sa puso. Kasi 7 days na lang at wala na ko sa trabaho kong toh.
Sabi ko naman kay boss nung una pa lang, I feel so guilty. I feel like I'm abandoning my team and I'm giving them extra workload. Sabi ni boss sakin.."maswerte ka at may option kang umalis, pero kami stuck muna dito for the meantime" .. aray! ang sakit nanaman sa heart.
Hindi ko alam kung pano sasabihin na... I'M SORRY. I apologize for the inconvenience?
Sa tuwing maalimpungatan ako sa pagtulog... naiisip ko sila. Silang maiiwan ko dito sa floor. Hindi ko sinasabing napakagaling ko at mahihirapan sila pag wala na ko.. pero oo(sa pangalawa) mahihirapan sila kasi bawas tao ako.
Alam ko na lahat kami nahihirapan na at konti na lang at isa isa rin silang susuko. Tao lang kami. Hindi lahat ng bagay eh matatapatan ng pera.
Pero I want my team to know that this is not quitting. This is just my way of moving on and following my dream. I want to prove that there's more for me out there and someday I'll share it with them.
Sana lahat ng tinatawag nilang "swerte" ko eh pwedeng ipamahagi. But again, I don't consider myself lucky... I consider myself blessed. Sana kaya kong i-share lahat ng blessings ko sa kanila.
I keep on praying for my team... na sana hindi na sila mahirapan, na sana malaman na rin nila ang purpose nila sa buhay and for them to do what they want in life.
Sorry sa term na "my team".. I should have typed... "my second family" ayoko naman ng teammates.. or colleagues... di ko feel.
Everytime that I think about my last day at work... nahihirapan akong lumunok... namumugto na agad yung mata ko.... nahihirapan akong huminga.... grabe... mahal na mahal ko sila :(
Sana we can get through this phase easily. Shet.. ang dami kong drama. Magtrabaho ka na nga.hmft.
No comments:
Post a Comment