Monday, October 18, 2010

The Glory Days are OVER

Noon: Pangarap mong magka-call dahil sobrang avail
Ngayon: Isang call na lang ang pangarap mo dahil queueing ka


Noon: Maingay sa floor dahil sa kwentuhang walang humpay.
Ngayon: Tulog ka sa station dahil ang layo ng kakwentuhan mo. At dahil may call sya di kayo makapag IM.


Noon: Excited kang pumasok dahil you look forward to the chismis at para kumita ng pera.
Ngayon: Ang hirap nang pumasok at kung pumasok ka man looking forward ka naman sa paguwi, restday at sa payday.


Noon: Ang sarap kausap ng customer sa phone dahil napakadali ng mga issues nila at ng gagawin mo para tulungan sila.
Ngayon: Paramihan ang ahente ng ITRACK dahil walang nareresolve na case dahil sa lecheng mga upgrades at "feature failure"


Noon: Masarap kausap ang mga managers dahil marami kang matutuhan sa kanila.
Ngayon: Hindi na yan applicable sa lahat ng "managers" dahil ang iba sayo pa matututo ng gagawin (bato bato sa langit ang tamaan pikon)


Noon: Pataasan ng Quality Scores
Ngayon: Bahala na si batman sa score matapos lang ng maayos tong call.


Noon: Manual ang page-enter ng attendance araw araw.
Ngayon: Ganun parin.. TATLONG TAON NA! HELLOWWWWW!!


Noon: Puro tawanan at jokes ang maririnig mo sa floor.
Ngayon: Puro hikab, buntong hininga at reklamo ang maririnig mo...minsan may kasama pang bastusan at away.
.
.
.
.
.
.
Noon: Ang ganda ko.
Ngayon: Mas maganda na ko.. syet.. hahahaha

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...