Monday, May 17, 2010

The Best Husband

It’s been a while since my last post. I dunno, I’m not really into blogging (eh bat may blog site ka?) hehehehe.
Etong post ko eh para sa pinakamamahal kong asawa. I don’t know for the past weeks lagi kaming nagkakainitan, madalas tungkol sa pesteng kotse na yan. Simula ng matuto kaming magdrive pareho, lagi na lang kaming nagaaway sa pagdadrive. Minsan din dahil sa mga gawaing bahay, minsan naman tungkol sa isa’t isa. Marami kaming pinagtatalunan pero madalas sa kotse.


Walang linggong di kami nagaaway pareho. Di ko alam kung sino talaga ang may mali, feeling ko ako.. pero sabi ng isip ko sya.
Napapaisip tuloy ako kung tama ba kami para sa isa’t isa. Gusto kong malaman ang sagot hanggat di pa kami kinakasal, para lam mo yun… magkaalaman na hanggat maaga. Nakikita ko yung sarili namin sa magulang ko, medyo may pagkakahawig kasi ang setup ng parents ko saka ng relasyon ko ngayon. Nasa abroad si erpats then my mom is just a plain housewife, ang asawa ko nagbabarko then ako kahit na may work eh housewife din naman. Sa tuwing uuwi si erpats eh di dadaan ang buwan na di sila magaaway ng mom ko. And sad to say, nakikita ko yan samin ng asawa ko. Ayoko! ayokong maging tulad nila nanay. Ayaw.



Kaya nung last na away namin ng husband ko, pinagpray ko talaga kay lord na bigyan ako ng patience. Kasi I know deep in my heart that patience is the key to the success of our relationship. Pareho kasi kaming walang pasensya sa lahat ng bagay. Pareho din kaming commanding (mas ako). But now I'm ready to swallow my pride and be the one to give way and I'm happy to say that my "husband" (in quotes kasi di pa naman official hehehe) is doing his part. Lately he's been so caring and so understanding. He tries to do more at home since he's still waiting for his papers from work and I'm a full time office girl and a mom.

I dunno, I guess I'm just happy that we're in this stage of recovery... recovering from all those misunderstanding and foolishness.. hehehe sana lang tuloy tuloy na toh. (Hoping and Praying)


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...